Sa ilalim ng temang: Wika Natin
ang Daang Matuwid, matagumpay na ipinagdiwang ng Jose C. Feliciano College
Foundation ang Buwan ng Wika noong ika-29 ng Agosto 2013. Ginanap ang selebrasyon
bilang pagtalima sa pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Nagdaos ang Kolehiyo ng iba’t-ibang
patimpalak na naglalayun na isulong ang paggamit, pagpapalago at pagpapahalaga
sa pambansang wika. Nagkaroon ng paligsahan sa rap sa Filipino, sabayang pagbigkas, isahang tinig, at tagisan ng
mga Lakan at Lakambini.
Nagkaroon ng “Rapublika” o paligsahan sa pag-rap o mabilis na awiting pasalita. Nagkaroon
din paligsahan sa pinaka-gwapong Lakan at pinakamagandang Lakambini. Dalawang klase
ang nagtagisan sa Sabayang Pagbigkas. Nagpakitang gilas naman ang tatlong
estudyante sa pag-awit ng mga awitin Pinoy sa Isahang Tinig.
Ang pagdiriwang ay binuksan ni Dr. Aurea
De Vera, Pangalawang Pangulo ng Kolehiyo. Sa kanyang talumpati, malugod na binati
ni Atty. Manuel M. Feliciano, Pangulo ng Kolehiyo, ang mga miyembro ng faculty,
staff, at students at mga hurado sa kanilang pakikilahok na siyang naging susi
ng tagumpay ng pagdiriwang. Sina Atty. Robert John I. Donesa, Gng. Marian P.
Tapnio at G. George C. Granados ang umupo bilang mga hurado.
No comments:
Post a Comment